Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Presidential bet pinagtataguan ng 4 bilyonaryo

0 165

Sino raw itong presidential aspirant ang hirap nang makakuha ng campaign fund matapos mangamote sa mga pre-election survey?

Naitsika ng ilang “Marites” kay Mang Teban na pinagtataguan na raw ng mga dayuhang business tycoon itong kandidato sa takot na walang mangyayari sa kanilang investment.

Eh kasi naman, milyon-milyong piso na ang ginastos ng presidentiable sa mga political ads pero hindi naman umangat ang puwesto nito sa survey, bagkus ay umatras pa ang salita este numero.

Ang perang pinanggastos ng kandidato ay nanggaling sa apat na business tycoon sa Hong Kong.

Noong una ay hinarap ng apat na business tycoon itong kandidato nang tumungo ito sa Hong Kong noong nakaraang taon.

Kasama ang nanka eheste kanang-kamay, kinolekta ng presidential bet ang paunang donasyon mula sa mga bigating negosyante ng HK.

Pero noong paubos na ang banga ng kandidato, humirit ito ng replenishment sa mga sponsor pero pinagtaguan na siya kaya naghanap ng ibang mahihiritan ng datung sa kampanya.

Pintahan n’yo na. Ang kandidatong pinagtaguan ng 4 na business tycoon ay naglalaway sa endorsement ng maimpluwensiyang tao sa bansa. May letrang O sa kanyang apelyido, as in Olats siya ‘pag hindi umangat sa survey.

Leave A Reply

Your email address will not be published.