Una sa Balita

Presidential assistant pinatigil ang event para umihi

0 646

NAHAHARAP ngayon si Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino sa mga alegasyon na umano’y pinahinto ang isang laro sa isang sports complex sa Pasig City para lamang magbanyo.

Sa post ng Newsph.org, ipinakita ang larawan ni Dino na bumaba sa helicopter, nag­lakad sa soccer field ng Philippine Institute of Sports Complex at pumunta sa palikuran pagkatapos ay muling bumalik sa nasabing sasak­yan at saka umalis.

“VIP apparently just used the restroom. And the chopper took off again,” ayon sa nasabing post.

Dahil umano dito ay nahinto ang sports meet ng Department of Education na ikinagalit ng mga netizen.

Kinumpirma naman ng opisina ni Dino na siya ang nasa larawan at ipinaliwanag na wala itong alam na may event sa sports complex.

Ayon kay Assistant Secretary Jonji Gonzales, may iba pang susunduin na sasakay sa helicopter kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Dino na pumunta sa palikuran bago tumungo sa kanilang destinasyon.

Sa Batangas papunta si Dino para sa paglulunsad ng 20th Malasakit Center.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy