Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Presidential appointee biglang yaman, mister nagulat

0 377

Nasorpresa ang asawa ng isang presidential appointee dahil sa mabilis na pag-asenso ng kanyang asawa simula nang mabigyan ito ng puwesto sa gobyerno.

Paano ba naman kasi mga utaw, nagkaroon ito ng condominium unit gayong dati ay umuupa lamang silang mag-asawa noong pareho pa silang nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya.

Pero simula mabigyan ng puwesto si appointee sa administrasyon ay nag-level up na rin ang buhay nito.

Katunayan, kuwento ng utaw sa umpukan ay nagulat ito dahil mayroon pa palang bagong condo unit ang kanyang asawa na hindi ipinaalam sa kanya.

Simula kasi magkapuwesto si lady appointee ay naging abala na ito sa kanyang trabaho at bihira umano silang magpangita at mag-bonding ng kanyang kabiyak dahil may sarili rin itong trabaho sa isang pribadong kompanya.

Hindi naman siguro nakapagtatakang mag-level up si madam kasi mataas ang sahod ng posisyong pinaglagyan sa kanya at baka naman nakaipon ito kaya nakabili ng panibagong condo, bukod pa sa may extra pay din kapag bumibiyahe sila na work-related .

Pero ang tsika kay madam, special friend daw ito ng isang mataas na opisyal kaya siguro mabilis ang asenso. Sana all friend din!

Pero kuwidaw ito sa matapang na anak ng opisyal dahil binantaang makakatikim ito kapag nagkrus ang kanilang landas.

Nakita umano kasi si lady official sa place ni government official at hindi ito nagustuhan ng anak ni sir. Hala lagot!

Hindi yata nadala itong si girl, dahil napabalita na rin noon na nasampal na rin siya ng asawa ni sir. Sa anong dahilan, si ma’am lang ang nakaalam.

Clue: Si lady official ay may hawak ng isang maliit na unit sa ehekutibo at iilan lang ang mga tauhan nito.

Minsan na rin itong binansagang “lady bread” dahil na-obsessed yata sa raisin bread at namakyaw ng P5,000 halaga ng tinapay na pinabayaran umano sa kanyang opisina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.