Una sa Balita

Presidential adviser kapalit

ng sinipang Kuwait envoy

By
0 882

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Adviser on OFW concern Abdullah Mamao bilang Special Envoy to Kuwait.

Sa harap na rin ito ng kinakaharap na gusot ng gobyerno sa Kuwait na nag-ugat sa pagsaklolo ng embassy staff sa distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang amo noong Abril na ikinagalit ng gobyerno ng Kuwait.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pangunahing utos ng Pangulo kay Mamao ay manatili sa Kuwait hanggat hindi nakakauwi ang lahat ng OFWs na dapat bumalik sa Pilipinas.

“Itinalaga ni Presidente si Secretary Mamao na bilang Special Envoy to Kuwait. At ang bilin po ni Presi­dente, babalik si Secretary Mamao sa Kuwait sa lalong mabilis na panahon. Mag-i-stay siya sa Kuwait hanggang hindi nakakauwi sa Pilipinas ang lahat na dapat makauwi,” ani Roque.

Matatandaan na pinalayas ng Kuwaiti government si Ambassador Renato Villa matapos maging viral sa social media ang rescue mission ng ilang embassy staff sa tatlong distressed OFW. Ikinagalit ito ng Kuwait dahil pagyu­rak ito sa kanilang soberenya. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More