Una sa Balita

Presidente ng South Africa sinipa

By
0 2,791

TINANGGAL ng partidong ANC si Jacob Zuma bilang presidente ng South Africa matapos na tumanggi itong magbitiw sa puwesto.

Ito ang naging desisyon ng 107 ka­sapi ng National Executive Committee (NEC) ng partido pagkatapos ng isang mahabang pagpupulong sa isang hotel sa labas ng Pretoria nitong Martes.

“It took a brutal 13 hours, but the ANC’s national executive committee has decided to recall President Jacob Zuma as head of state,” ayon sa lumabas sa pahayagang Times.

Ngunit sa ulat naman ng state broadcaster SABC, binigyan umano ng ANC si Zuma ng 48 oras para magsumite ng kanyang resignation.

Maaaring utusan ng ruling party ang isang presidente na bumaba sa puwesto, pero maaari din niya itong hindi sundin.

Kung susuwayin ni Zuma ang utos ng partido, maaaring humantong ito ‘vote of no confidence’ ng mga miyembro ng parlamento.

Si Cyril Ramaphosa, chief ng African National Congress, ang sinasa­bing papa­lit sa puwesto ni Zuma.