Una sa Balita

President Mugabe nagmatigas, impeachment nakaumang

By
0 10

Namumuro sa impeachment si Robert Mugabe matapos itong tumangging mag-resign­ bilang presidente ng Zimbabwe sa kabila ng isinagawang military take-over sa gobyerno.

Sa televised address­ nitong Linggo ng gabi, nagmatigas ang 93-anyos­ na presidente na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

Ikinagalit naman­ ito ng mga taong nag abang sa resignation ng kanilang lider na namuno­ sa kanilang bansa­ nang halos apat na dekada, kaya malaki ang pangamba­ na lumala ang tensyon sa bansang ito.

Tinabla ni Mugabe ang utos sa kanya ng ZANU-PF party na magbitiw bilang head of state dahil ipapa-impeach ito kapag nagbabad sa puwesto hanggang tanghali­ ng Lunes.

Nagbanta pa ang grupo­ ng maimpluwensiyang war veterans na babalik sila sa kalsada upang magprotesta kung hindi iiwanan ni Mugabe ang kanyang puwesto.

Ngunit sa huling kaganapan kahapon, iniulat­ ng CNN na pumayag na si Mugabe na mag-resign.

Tinanggap daw ng mga heneral ang hiling ni Mugabe na pagkalooban siya at asawang si Grace ng full immunity.

Hindi rin kukumpiskahin ng gobyerno ang ari-ariang naipon niya sa 37-taong pamumuno sa Zimbabwe.

Upang magkaroon ng bisa ang kanyang resignation, kailangang ipadala­ ang liham sa speaker ng Parliament.