Una sa Balita

Pres. Joko Widodo muling nahalal

0 254

WAGI sa ikalawang termino bilang Presidente ng Indonesia ang 57-anyos na si Joko Widodo.

Ito ang lumabas sa pinal na resulta ng halalan kahapon kung saan ay tinalo ni Widodo si retired general Prabowo Subianto.

Inasahang ilalabas ang resulta ng halalan noon pang Abril 17 pero naantala.

Nakakuha si Widodo at kanyang vice presidential running mate Ma’ruf Amin ng 55.5% habang sina Subianto at running mate na si Sandiaga Uno ay umiskor ng 44.5%.

Umabot naman sa 85.6 milyong Indonesian ang nakibahagi sa botohan at pumabor sa muling pagkakaluklok kay Widodo.

“This ruling… will be effective immediately,” ayon kay Election commission chair Arief Budiman.

Si Widodo ang unang na-predict na mananalo alinsunod sa unofficial result.

Inakusahan naman si Widodo ng malawakang pandaraya at nagbanta si Subianto na maaring humantong sa malawakng protesta ang naging resulta ng eleksyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy