Una sa Balita

Prenup itinanggi ni Liza

0 456

False alarm! Ang akala ng mga LizQuen ay may patago nang plano na magpakasal ang paborito nilang love team at real life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil nang mag-comment sa litratong in-upload ni Liza ang isang kompanya na nag-o-organize ng mga kasal.

“Wishing you all the best this coming year. From your @Prenupideas family,” sabi sa comment ng Prenup Ideas na siyang kumukuha ng magagandang litrato sa mga engaged couple.

Nag-ingay ang mga fan sa excitement na sinasabing “wedding of the year” pa ang kasalang LizQuen.

Pero agad nilinaw ng aktres na wala pang kasal na magaganap ngayong taon at hindi sila nauugnay sa kompanya o organisasyon na iyon.

“Hi guys, just to clear up some confusion. I dont know anyone from the prenup ideas team. ThI have never worked with them. Happy New Year to you guys too!!” saad naman ni Liza sa kanyang Twitter kalakip ang screenshot ng litrato at comment sa IG.

Medyo nalungkot ang mga fan pero looking forward pa rin na magkatuluyan nga at sa altar ang maging ending ng pagmamahalang LizQuen. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More