Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Prenup agreement? Hindi ako lugi kay Derek – Ellen

0 260

Inaabangan ng mga fan ang pa-ask me’ ni Ellen Adarna sa Instagram story niya. Ito nga `yung lahat ng tanong ay sinasagot ni Ellen gamit ang mga pinaghalong salita na Tagalo, Bisaya, English.

At isa nga sa mga tanong sa kanya ay… “I know both you and your husband are both well off but did you guys ever consider prenup agreement?”

Kung ang ibang artista, iwas na iwas sa ganiyang tanong, dahil nakakainsulto nga, at may kinalaman kasi sa datung ang usapin.

Heto naman ang bonggang-bonggang sagot ni Ellen.

“So many people ask me and Derek this and this is a very personal question.

 “Let’s put it this way. Dili ko lugi ni Derek, si Derek diri ko lugi nako (Hindi ako lugi kay Derek at hindi rin siya lugi sa akin). So patas ang show! sabi ni Ellen. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.