Una sa Balita

Premyo ni Jhong sa Miss Q and A gagamitin sa kampanya

By
0 654

Bukod sa Magpasikat, mas naging espesyal din ang pagdiriwang ng ikasiyam na anibersaryo ng “It’s Showtime’s” sa “anniBEKsary” edition ng “Miss Q and A” segment, kung saan nag-damit beauty queen at naglaban-laban ang mga lala­king host na sina Jugs, Teddy, Jhong, at Hashtags Nikko at Kid. Nagwagi naman sa kumpetisyon si Jhong bilang si “Alakdawn Zulueta.”

Well, si Hashtag Kid nga ang naging mahigpit na kalaban ni Jhong, dahil bukod sa ganda niya, at kahit sinasabing medyo walang laman ang utak niya, panalo naman ang hirit niya, at tugma pa rin ang mga sagot niya, ha!
Halatang nag-effort si Jhong sa pakontes na ito dahil sabi nga niya, kailangan niya ang pera para sa kampaniya niya, ha!

Bagama’t puno ng landian, haru­tan ang mga host sa pakontes na ‘yon, super nag-trending talaga dahil sa nakakatuwa nilang eksena.

Aminado silang lahat na nahirapan sila sa pagsusuot ng gown, at heels, at pag-iipit ng kanilang mga ari.

Bukod nga pala sa pagtulong ng “It’s Showtime” hosts sa iba-ibang charities sa pamamagitan ng Magpasikat, maagang pamasko ang inihatid ng “Tawag ng Tanghalan” hurado na sina Jaya, K Brosas, Nyoy Volante, at Mitoy, at “TNT” singers na sina Froilan Canlas, Steven Paysu, Sheena Belarmino, Ato Arman, Marielle Montellano, Noven Belleza, Sam Mangubat sa kanilang pag-awit ng sikat na Christmas songs.

Ayon sa kanila, ipagkakaloob nila bilang donasyon ang talent fees nila mula sa naturang production number sa Bantay Bata 163 program ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. Ito ay matapos magbigay-tulong sa kapwa ng TNT Boys sa pag-awit nila kamakailan sa President’s Star Charity sa Singapore at pagdo-donate ng kanilang premyo mula sa “The Kids’ Choice” Bantay Bata 163.

Sa anniversary episode, binalikan din ng hosts ang siyam na taong pagpapasaya sa madlang people at pagtupad ng mga pangarap. Gumawa ito ng ­ingay online kaya naman nanguna sa listahan ng trending topics ang hashtag na #ShowtimeMagpasikat2018 sa Twitter Philippines at worldwide.