Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Preggy sinagip ng Coast Guard sa barko

0 52

Nagpamalas ng kakayahan at kabayanihan ang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) personnel nang tumulong sa ligtas na pagsilang sa sanggol ng ina na inabot na ng panganganak habang nasa loob ng palikuran ng isang RoRo vessel sa Pasacao Port, Camarines Sur noong Lunes.

Sa report, nagsasagawa ng pagiinspeksyon ang PCG team nang may magsabi na may nanganganak.

Hindi nag-atubli na pinuntahan ni Seaman Second Class Vincent Adrian Junior Balamban ang buntis na pasahero ng MV Virgen de Peñafrancia na idinadaing ang matinding paghilab ng kaniyang tiyan, habang nasa palikuran ito ng RoRo vessel.

Kinilala ang babae na si Jemalyn Bello, 29, na sinabing hindi niya inaakala na manganganak siya habang bumibiyahe pauwi sa San Pascual, Masbate dahil pitong buwan pa lang niyang ipinagbubuntis ang kanyang anak.

SM food to go Banner Ad

Sa tulong ni Balamban na isa ring registered midwife, ligtas na naisilang ang batang lalaki sa loob mismo ng palikuran ng barko at pinangalanang ‘Baby Franco’.

Pagkatapos nito, agad na dinala ang mag-ina sa Bicol Medical Center para mabigyan ng karagdagang tulong medikal, sa tulong ng Pasacao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Lubos naman ang pasasalamat ni Bello sa mabilis na pagresponde ng Pasacao MDRRMO at PCG, lalo na kay Balamban na siniguro kaligtasan ng kanyang anak. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.