Una sa Balita

Prediksyon ng UAAP, NCAA star sa NBA: James, Harden o Westbrook MVP GSW, Lakers kampeon!

By
0 937

MILYON-MILYONG fans ang araw-araw na namang nakatutok sa 2018-2019 NBA season na nagsimula nang sumipa kamakailan.

At sa kaagahan pa lamang ng season, mayroon nang kanya-kanyang prediksyon ang ilang UAAP at NCAA stars kung sino ang tatanghaling Most Valuable Player (MVP) at kung sino ang mag-uuwi ng Larry O’Brien trophy pagsapit ng Hunyo.

Para kay Colegio de San Juan de Letran Knights ace player Bong Quinto, Golden State Warriors (GSW) pa rin ang tatanghaling kampeon nga­yon.

“GSW! Sa tingin ko mas papatunayan na sila pa rin ang maghahari sa season na ‘to. ‘Yung team chemistry nila mas maganda compared last year. So, sa tingin ko sila pa rin ang magcha-champion ngayong taon,” wika ni Quinto.

Para naman kay King Lion Robert Bolick ng San Beda, Los Angeles La­kers ang siguradong magkakampeon dahil nandoon na si King LeBron James.

“LA will win! Because they have the size and they can switch everything! They can defend! Of course nandoon na si Lebron,” sabi ni Bolick, na tingin niya rin ay mahihirang na MVP si LeBron James ng Lakers.

Para naman sa rookie at isa mga pambato ng University of Perpertual Help Altas na si Jielo Razon, Los Angeles Lakers din ang maghahari nga­yong season ng NBA at para sa kanya si King James din ang tatanghaling MVP.

“LeBron (James) kasi idol ko ‘yun eh,” wika ni Razon.

“It’s gotta be Lebron because LA [Lakers] all day,” sambit naman ng Adamson forward Sean Manganti.

“Lebron siyempre,” matipid na winika ng La Salle guard Aljun Melecio at ganun din ang tingin ni Dave Ildefonso ng NU.

Bagama’t marami pa rin ang naniniwala na maiuuwi ni James ang tropeo ngayong season, may iba pa rin ang naniniwala na makakaulit ang reigning MVP na si James Har­den ng Houston Rockets.

“I think Harden is gonna get it again although Lebron is my idol,” paliwanag ng UP center na si Bright Akhuetie, na sinegundahan ang sagot ng UP lefty guard na si Juan Gomez De Liaño.

Si Angelo Kouame ng Ateneo, umaasang makukuha ni Joel Embiid ng Philadelphia 76ers ang una niyang award, samantalang si CJ Cansino ng UST ay idol talaga si Russel Westbrook ng OKC Thunder.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy