Una sa Balita

Pre-AIMAG qualifying sa Harrison

By
0 4

Malamang na makabuo ng karagdang limang bagong national sports associations sa umpisa ngayon ng Philippine Sports Commission-Philippines Pre-5th Asian Indoor Martial Arts Games 2017 sa Harrison Plaza sa Malate.

Ang mga mananalo sa limang araw na tryouts at qualifying tournaments ayon kay Team Pilipinas Chef De Mission Monsour del Rosario ang potensiyal na puwedeng makapagbigay ng mga karangalan sa bansa sa AIMAG proper sa Sept. 17-27 sa Ashgabat, Turkmenistan.

Paglalabanan sa limang araw na kumpetisyon ang sambo, kurash, kickboxing, belt, wrestling at traditio­nal wrestling, ang mga magwawagi’y i-e-evalute at puwedeng makasama sa Philippine delegation sa quadrennial meet.

“Our country hopes to qualify more entries to this year’s Asian Indoor and Martial Arts Games by holding a five-day, pre-qualifying event most especially sa combat sports kasi mas malaki ang chance natin na makapanalo doon ng mga medalya,” sabi naman ni Deputy CDM Raymond Reyes.