Una sa Balita

Prangkisa ng Mislatel babawiin ng Kongreso

By
0 1,067

MATIGAS pa rin ang posisyon ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez kontra sa pag-entra ng Chinese telco sa Pilipinas.

“It has been approved by DICT (Department of Information and Communications Techno­logy), ‘di ba? But my objection still stands. I’m going to pursue with my position that I’m questioning why Chinese, because of security issue. Remember kanila na ang kuryente, pati ang telco kanila na rin. Bigay na rin natin ang tubig,” paghahayag ni Suarez sa pulong-balitaan kahapon.

Ibinabala ng lider ng minorya na kung kinakailangang iakyat sa Supreme Court (SC) ang usapin ay kanya itong gagawin.

“If I’m not been being given due course and I will not be satisfied with the answer I go to the Supreme Court (SC),” giit ni Suarez.

Naniniwala ang kongresista na kailangan ng hiwalay na legislative franchise ng pangatlong telco.
Nararapat din aniyang malinawan kung mayroon itong pinansiyal na kapasidad.

“Alam mo ‘yung lay-out nito, ‘yung spread out ng mga tower very expensive unless other­wise the two players will allow them to use their cell site. Malaki itong amount na involve siguro ‘yun pa rin ‘yung isang dapat tingnan natin ‘yung financial capability to run of their cell sites,” ani Suarez.

Binanggit ng mambabatas na ikinukunsidera rin nito ang iniaalok ng grupo ni dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson na isa rin sa mga interesado na makapasok bilang pangatlong telco.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., miyembro ng House Committee on Legislative Franchises na hindi basta-basta puwedeng isalin ng Mislatel ang kanilang prangkisa para sa operasyon ng Chinese telco.

Kailangan aniya ng permiso ng Kongreso.

Kapag nagpumilit ang Mislatel ay puwedeng bawiin ng Kongreso ang prangkisa nito.