Una sa Balita

Prangkisa ng CBCP, TV5 pinalawig ng 25 taon

0 256

PINALAWIG ng panibagong 25 taon ang prangkisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at TV5 Network Inc. matapos mag-lapse into law ang enrolled bill para sa renewal ng prangkisa ng mga ito.

Hindi nalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enrolled bill sa takdang panahon kaya tuluyan itong naging batas.

Batay sa isinasaad ng Article 6 Section 27, maikukunsiderang lapse into law o awtomatikong magiging batas ang isang enrolled bill kung hindi ito naaksyunan ng Presidente sa loob ng 30 araw matapos na ito’y makarating sa kanyang tanggapan.

Sa kopya ng Republic Act No. 11319 para sa CBCP franchise at Republic Act 11320 ng TV 5 network Inc, parehong nag-lapse into law ang dalawa sa petsang Abril 22, 2019.

Dahil dito, patuloy na magagamit ng dalawa ang frequencies at channels para sa kanilang radio at television broadcasting kasama na ang digital television, at anumang bagong teknolohiya na may kaugnayan dito.

Magiging epektibo ang batas labinlimang araw matapos ang official publication nito sa mga pahayagan. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy