Una sa Balita

PRANGKAHAN: Karapatan ng mamamayang Pilipino na bantayan at punahin ang pangulo

By
0 8

Sa Huwebes, bago na ang Pangulo ng Pilipinas.

Manunumpa si Rodrigo Duterte sa Huwebes at siya na ang titira sa Malacañang.

Lahat na kontrobersya tungkol sa kanyang mga sinabi noong mga nakaraang buwan, mula pa nong kampanya hanggang ngayong araw ay wala na masyadong halaga ‘yun.

Ang mahalaga ay simula ng kanyang panunumpa.

Dahil sa hindi magandang karanasan niya sa medya pagkatapos siya nahalal, nagdesisyon siya ang kanyang mga adviser na hindi na siya magpa-presscon.

PTV4 na lang daw ang magko-cover sa kanya at doon na lang kukunin ng ibang estasyon at media ang kanilang ibabalita. Ibig sabihin nun, hindi na siya makipag-usap sa lahat na media. ‘Yung gusto lang niya siguro katulad ni Mocha Uson, na hindi naman reporter. Fan ni Duterte si Mocha Uson. Singer daw siya at miyembro ng grupong Mocha Girls.

Kung gusto ni Duterte na ‘yun lang ang kausapin niya karapatan niya ‘yun.

And media naman, marami namang paraan para magampanan ang trabaho na ipaalam sa taumbayan ang nangyayari sa kapiligiran. Kapag walang presscon, puwedeng mag-iikot ang reporter para makipag-usap sa ibang tao at ibang opisyal. Baka mas maganda pa kaysa pagmumura ng Presidente ang makuhang balita.

Sabi niya ayaw niya tumira sa Malacañang dahil maraming mumo raw. Mas gusto daw niya uuwi siya palagi sa Davao.

Ewan kung kakayanin niya ang uuwi araw-araw o maraming beses sa isang linggo. Sabi niya lang ‘yan siguro ngayon. Masasanay na rin ‘yun dito sa Manila.

Related Posts

Marami na sa mga kontrobersyal na sinabi ni Duterte noong kampanya ang naiba na.

Nawala na ang tatlo hanggang anim na buwan na pangako na mawawala ang krimen. Ang nagkatotoo ay ang magkakalat ang bangkay.

Itong mga nakaraang linggo, marami na ang pinatay.

Sabi ng mga pulis mga sangkot daw sa iligal na droga.

Hindi na binabanggit ang pag-jetski niya papuntang Spratlys. Napaliwanagan yata siya ng mga taga Department of Foreign Affairs (DFA). Kaya maghihintay daw siya ng dalawang taon bago makipag-usap ng bilateral sa China. ‘Yung Pilipinas lang at China, hindi kasama ang ibang bansa na nag-aangkin rin ng parte ng Spratlys.

Maliban sa media ang kontrobersya pagkatapos ng eleksyon ay tungkol sa kanyang mga appointment. May mga maayos, may mga hindi kanais-nais. Ang pinakakontrobersyal ay si Gina Lopez, na nilagay niya bilang Environment secretary. Dismayado ang mga nag-industriya ng pagmimina.

Karapatan ni Duterte mamili ng katuwang niya sa pagpalakad ng bansa.

Karapatan din ng sambayanang Pilipino na bantayan siya at punahin kung may nakita silang mali.

‘Yan ay para sa kabutihan ng sambayanang Pilipino.

***

Blog:www.ellentordesillas.com
E-mail:ellentordesillas@gmail.com