Una sa Balita

Prangkahan: Astang kanto boy na Pangulo

By
0 2

Hindi na raw muna magpapa-press conference ang susunod na pangulong si Rodrigo Duterte, sabi ng kanyang chief-of-staff na si Bong Go.

“As of now no presscon muna. Walang pagkakamali…Iko-course niya through state-owned station ‘yung mga press releases at interviews niya,” sabi ni Go.

Ito muna ang solusyon ng kampo ni Duterte sa kontrobersya na dulot ng kanyang pagbatikos sa media noong kanyang press conference, Martes, Mayo 31.

Tinanong si Duterte tungkol sa kanyang polisiya sa pagpatay sa mga miyembro ng media na hindi nabigyan ng karampatang solusyon sa administrasyon ni Benigno Aquino III. May pinatay na naman kasi na reporter, si Alex Balcoba ng People’s Brigada, noong Mayo 27.

Pang-174 mula 1986 nang bumalik ang kalayaan sa pamamahayag, na miyembro ng media na pinatay si Balcoba.

Sermon ang sagot ni Duterte. Ito ang bahagi sa kanyang sagot: “Karamihan ‘yan, alam mo ‘yan nabigyan na, especially if you want to take sides, nabayaran mo na tapos you play. ‘Yan ang karamihan ng namatay. Or tumatanggap na sa mga sugarol tapos bira pa rin.”

“Iyong freedom of expression cannot help you if you have done something wrong to the guy. Do not believe it so much na you swallow it hook, line, and sinker. Alam mo na marami diyan, binabayaran, pati writers. Alam mo iyan.

“Just because you are a journalist, you are not exempted from assassination if you are a son of a bitch.”

Wala siyang sinabi kung paano mahinto ang pagpatay na labas sa batas.

Hindi lang ‘yun ang ginawa niyang nakakawindang. Sinipulan pa niya ang reporter ng GMA-7 na si Mariz Umali.

Ang pagsipul ay pambabastos. Gawain ito ng mga kanto boy.

Related Posts

Maharlika

Bawat araw

Hindi rin ito nagustuhan ng asawa ni Mariz na si Raffy Tima, reporter din ng GMA-7. Sabi ni Raffy, kahit sabihin mo na hindi nakakagulat ang ginawa ni Duterte lalo pa sa mga nakakakilala sa kanya, mali pa rin, kahit anong anggulo tingnan.

Ngunit ang mas masakit, sabi ni Raffy, ay may mga tumawa pa sa ginawa ni Duterte. Sana man lang, tumahimik na lang sila.

Todo depensa ang mga tagapagsalita ni Duterte sa mga batikos sa kanilang amo. Sabi ni Peter Laviña, hindi raw tama ang report sa media. Hindi lang daw naintindihan ng media si Duterte.

Ito namang si Salvador Panelo, hindi raw pambabastos ang ginawang pagsipol ni Duterte kay Mariz. “Mayor Duterte is a very kind, playful individual. Pag siya’y pumito, ibig sabihin he’s fond of you, ibig sabihin mahal ka niya, kaya ka binibiro. Hindi po isang pambabastos ‘yun. On the contrary, the receiver of that should be complimented.”

Dapat daw matuwa si Mariz.

Ha??? Matuwa siya dahil binastos?

Noong Huwebes, nag-presscon ulit si Duterte para sagutin ang mga batikos sa kanya. Lalo pa ang panawagan ng isang international organization, Reporters Without Borders, na dapat i-boycott si Duterte hanggang humingi siya ng paumanhin sa media.

Halos dalawang oras siyang nagsalita, nagmura. Hindi raw siya hihingi ng paumanhin. Ito ang bahagi ng sinabi niya:

“P….I_a. Sinabi ko mga ugok, P… I_a. I can lose the presidency, my life, my honor. Just don’t fuck with me. Huwag niyo akong takutin. Boycott, boycott, leche kayo, e ‘di mag-boycott kayo!”

***

Blog:www.ellentordesillas.com
E-mail:ellen­torde­sillas@gmail.com