Una sa Balita

Pramis ng Chooks kay Kai natupad

0 287

BAGO umalis ng bansa si Kai Sotto para mag-train sa abroad nitong Marso ay nagbitaw ng pangako si Chooks-to-Go president Ronald­ Mascariñas sa kanya at sa pamilya nito.

“Whether nandito si Kai or sa labas ng bansa, our support will continue,” saad ni Mascariñas.

Ilang tulog na lang at lalarga na ang 2019 FIBA Under-19 World Cup, kaila­ngan nang maging kumpleto ang Gilas Pilipinas Youth sa kanilang mga practice.

Siniguro naman ito ng Chooks-to-Go.

Sinagot ng Chooks-to-Go ang ticket ni Sotto at ng kanyang pamilya mula Atlanta, Georgia patungong Manila.

Umalis ang pamil­ya Sotto sa Atlanta at nakatakda silang dumating ngayon.

“We always promote the importance of fami­ly in Chooks-to-Go,” hayag ni Mascariñas. “Kaya we can’t let Kai come back home alone. Ervin and Pamela need to be with him dahil alam namin na na-miss na nila ‘yung Pilipinas.”
Masaya naman sina Kai at ang amang si Ervin dahil tinupad ng Chooks-to-Go ang kanilang pangako sa kanila. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy