Una sa Balita

Praktis pa lang, championship na agad nasa kukote ni Parks

0 327

ADVANCE MAG-ISIP!

SALANG na sa unang praktis niya nitong Lunes sa Blackwater Elite si 2018 No. 2 overall pick Bobby Ray Parks, Jr.

Pero praktis pa lang, PBA crown na agad ang puntirya ng anak ni seven-time PBA Best Import Bobby Parks, Sr.

“At the end of the day, regardless of what season it is, it’s the goal of every team here, to win championships, nothing less than that,” deklara ni Parks.

Umattend na si Parks para sa kanyang unang¬ practice kasama ang team, Lunes sa Reyes Gym, Mandaluyong City, ayon mismo sa interim coach ng koponan na si Aries Dimaunahan.

Tinapos muna ni Parks ang kanyang kontrata sa Alab Pilipinas na bigong maidepensa ang korona sa ASEAN Basketball League (ABL).

Ilang beses ring umugong ang balitang ite-trade ng Blackwater si Parks ngunit noong mga nakaraang linggo ay pumirma na ito ng one-year P2 million contract.

Makakasama ni Parks sa koponan sina Allein Maliksi, Mike DiGregorio, Roi Sumang at Abu Tratter. (Janiel Abby ¬Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy