Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Praktis ng mga team walang aberya – Kume

0 10

WALANG aberya ang closed-circuit training sessions ng PBA.

Sa unang tatlong linggo ng ensayo sapul nang payagan ng IATF, walang sumabit sa regular na COVID-19 tests.

“Almost perfect,” pahayag ni commissioner Willie Marcial.

Halos, dahil may isang nag-positive pero hindi player kundi isang support staff daw ng isang team na hindi na binanggit.

Si Fil-Am Joe Devance ng Ginebra ang nag-iisang player na nag-positive pero bago pa ang league-sponsored tests.

Sa social media ay binahagi din ng veteran forward ang pinagdaanan.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sumailalim sa dalawang tests ang 12 ballclubs, kasama ang staff, bago sinimulan ang training.

Tuwing ika-10 araw ay may tests muli.

Halos lahat, negative maliban sa staff.

“It’s one out of 350 (individuals tested),” paliwanag ni Marcial. “At perfect ang resulta ng tests for the players.”

Itinuloy ng 12 teams ang training sa labas ng Metro Manila habang nasa GCQ with restrictions pa ang NCR-Plus kasama ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Kapag nabakunahan na ang buong PBA family, umaasa ang liga na ibibigay na ng IATF ang go-signal para magsimula ang 46th season posibleng late June o early July. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.