Una sa Balita

Prado gold sa cycling lupaypay sa finish line

0 274

Pinadyak ni Jermyn Prado ang gold medal sa women’s individual time trial ng road races cycling ng 30th Southeast Asian Games kahapon sa Tagaytay City.

Binaybay ni Prado mula Nasugbu, Batangas hanggang Praying Monument sa Tagaytay para irehistro ang 44 minuto at 44 segundo sapat para sikwatin ang gold medal.

Segundong tumawid ng meta si Luo Yiwei ng Singapore na nakapagtala ng 44:48.518 oras habang bronze ang naiuwi ni Somrat Phetdarin ng Thailand (44:58.152).

Humarurot si Prado sa huling 23.1 kilometro, tatlong segundo lang ang lamang nito sa se­cond placer, mga ilang segundo pagtawid ng finish line ay nag-collapse ang Pinay rider.

“Ibinigay ko ang lahat, pero paid off lahat ng sakripisyo namin, sobrang hirap, sobrang saya rin,” saad ni Prado, miyembro ng Philippine Navy-Standard Insu­rance Continental Team.

Pangatlong gold ng Pilipinas sa cycling, nakalawit ang dalawa nina Lea Denise Belgira at John Derick Farr sa mountain bike. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More