Una sa Balita

PR ni mayor nagtago

0 328

MAY panahon pa para makapag-isip itong nanalong mayor sa Metro Manila para sibakin ang umaaktong public relation officer at palitan ng ibang marunong sa ganitong larangan.

Noong panahon kasi ng kampanya, ang sipag nitong magpadala ng istorya ng politiko at 24/7 na sumasagot sa bawat tawag at text message.

Subalit noong nanalo na si mayor, aba’y parang naging multo ang PR dahil sa hindi na ito sumasagot kahit sa text message man lang.

Malayong-malayo ito sa ugali ng kanyang amo na sobrang bait at laging magandang makisama sa lahat ng kanyang nasasakupan, mahirap man o mayaman.

Pintahan n’yo na. Ang PR ay nagtatrabaho sa alkaldeng guwapo at may letrang O sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy