Una sa Balita

PR man naglalaway sa mayor

0 629

Naglalaway daw ngayon ang isang kilabot na PR man sa bagong halal na alkalde ng isang lungsod.

Hindi sa hitsura ng lokal na opisyal naglalaway ang PR man kundi sa maaa­ring kitain nito sa mga dirty job o pagpapalapad ng papel sa publiko.
Sa tuwing makikita daw ng PR man ang alkalde, peso sign ang nababanaag nito sa bago niyang kliyente.

Ang ikinatatakot lang ng PR man ay baka itsismis siya ng dating pinagsilbihang politiko hinggil sa ibinulsang milyong­ pisong halaga ng proyekto.

Wanted kasi si mokong sa isang politiko dahil hiningan ito ng P5 milyon para sa crisis PR subalit lumalabas na ibinulsa lang pala ito ni mokong.

Pintahan niyo na. Ang alkaldeng pinaglalawayan ng PR man ay kilalang matapang at may letrang B sa kanyang pangalan as in babae ini.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy