Ginebra-Meralco II:

Power vs superpower

By

Laro Ngayon (Quezon Convention Center)
7:00 p.m. – Meralco vs. Ginebra

Si Meralco coach Norman Black mismo ang umamin na kahit anong pilit, hindi nila p’wedeng tapatan ang laki ng Ginebra.

Kaya handang maging David ang Bolts para mapuwing ang mga Goliath ng Kings sa kanilang sagupaan sa PBA Governors’ Cup championship series na mag-uumpisa mamaya sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Importante sa magkakatunggali na makauna sa best-of-seven series na inaasahang mas mahigpit pa kaysa noong isang taon kung saan nagwagi ang Ginebra sa anim na laro.

Para makabawi ang Meralco, kailangan nilang ma-kontra ng bilis ang Kings na ipinagmamalaki sila 7-foot Greg Slaughter, 6-9 Japeth Aguilar, 6-7 Joe Devance at 6-5 Justin Brownlee.

Malakas na ang power ng Meralco, pero superpower naman ang Ginebra sa laki.

“They are the biggest team in the league and I think with the return of Greg they gained the confidence they could just overpower people, particularl­y in the course of a game with their physical post offense. They constantly pound the ball inside.That’s gonna be a problem for us because we don’t have the size they have,” pahayag ni Black. 

“What we do have is the versatility defensively,” dagdag pa niya. “We can go big, we can go small, but no matter what we do we can never be as big as them.

Markado naman sa Gins ang balanced power ng Bolts.

“Meralco is probably the most balanced team out there, gives you a whole bunch of different looks,” sabi ni Kings coach Tim Cone.  


SHARE