Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Power trip na hepe sinipa sa trabaho

0 277

Sinibak ang pulis sa Pasay City na nag-viral sa social media dahil naniniket ng mga motorista kahit wala namang nilalabag ang mga ito na anumang batas-trapiko.

Mismong ang hepe ng Pasay Police ang nagtanggal sa puwesto kay Police Lieutenant Ashley Magboo, na hepe ng Villamor Police Substation, dahil sa mga reklamo ng mga motorista na bastos daw ito at basta-basta na lang nanghuhuli kahit wala silang nilalabag na batas.

Naunang pinaimbestigahan ni Philippine National­ Police chief Police General Guillermo Eleazar ang insidente.

Samantala, hindi lang daw mga motorista ang nag­rereklamo kay Magboo dahil maging ang ilang residente sa lugar ay nagreklamo na rin.

Sa ngayon ay nasa admin section si Magboo habang iniimbestigahan ang kaso laban sa kanya.

Magugunitang ipinag-utos ni Eleazar ang umano’y extortion activities at misbehavior ng mga pulis sa isang checkpoint sa Andrews Avenue sa Pasay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.