Una sa Balita

Power rate hike, rotating brownout nakaamba  

By ,
0 6

Nakaamba ang posibleng pagtaas ng electric bills sa Setyembre, gayundin ang inanunsiyo na posibleng rotating brownout sa Luzon ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Joe Zaldarriaga, Vice President for Corporate Communications ng Meralco, ito ay dahil sa nararanasang kakulangan ng suplay sa Luzon grid ngayong buwan.

Wala namang inaasa­hang paggalaw sa singil sa kuryente para sa bill nga­yong buwan dahil stable ang suplay ng kuryente noong Hulyo.

Batay sa pagtaya, posibleng kulangin ng 203 megawatts ang suplay ng kuryente sa Luzon dahil pa rin sa mga bumagsak at under maintenance na mga planta ng kuryente.

Ipinaliwanag ni Joe Zaldarriaga, ito ay dahil sa 250 megawatts na maaring magmula sa interruptible load program o ILP.

Sinabi rin ni Zaldarriaga na iniiskedyul ang maintenance ng mga planta, ma­liban na lang sa pailan-ilan na biglang nagsa-shutdown.

Kumilos naman agad sa Kamara si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate sa kanyang House Resolution (HR) 136 na nag-aatas na imbestigahan ang patuloy na pagnipis ng supply ng kuryente.