Una sa Balita

Power interruption sa Leyte

0 127

Makararanas ng panandaliang power interruption ang ilang lugar sa Leyte ngayong araw.

Kahapon ay nagpalabas ng abiso ang Natio­nal Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na sa ganap na alas-siyete ngayong umaga (Oktubre 4) ay magsasagawa ng maintance activity sa Baybay at San Agustin LEYECO IV, na tatagal ng 45-minuto kaya mapuputol ang suplay ng kuryente habang sa Hilongos ay alas-kuwatro hanggang alas-singko ng hapon naman.

Tatagal naman ng 30-minuto na magsisimula ng alas-siyete ng umaga sa LEYECO V, Simangan at Talisayan para sa relocation ng structure sa Ormoc-Baybay line.

Dito, pinayuhan ang mga residente na makipag-ugnayan sa local distribution utility para malaman kung kabilang ang kanilang lugar sa mga maaapek­tuhan ng panandaliang power supply interruption.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy