Una sa Balita

Power interruption sa E. Samar

By
0 5

Makararanas ng 11-oras na kawalan ng kuryente ang buong Eastern Samar ngayong Sabado.

Ito ang inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagpahayag na magsisimula ang power interruption sa lalawigan bandang alas-sais ng umaga at tatagal hanggang alas-singko ng hapon.

Sinabi ng NGCP ang dahilan ng power interruption ay ang maintenance activity sa Paranas-Taft-Borongan-Quinapondan 69 kilovolt line.

Nangako naman ang NGCP na gagawin ang lahat upang matapos ang pagsasaayos upang maibalik ng mas maaga ang kuryente kumpara sa itinakdang schedule.

Sa Linggo naman, June 11, ilang baha­gi sa Samar ang mawawalan din ng kur­yente ng siyam na oras dahil sa pag-aayos sa 10MVA transformer sa Sta. Rita Substation.

Magsisimula ang power interruption bandang alas-otso ng umaga at tatagal hanggang alas-singko ng hapon.

Dahil dito, pinaalalahanan ng pamahalaang lalawigan ng Samar ang mga residente na maghanda sa nasabing power interruption.