Una sa Balita

Poverty threshold ng gobyerno, pakipaliwanag

0 252

Dapat ay magpaliwanag ang Phi­lippine Statistics Authority (PSA) sa inilabas nitong po­verty threshold kung saan ay pamantayan sa mga naghihirap na Pilipino.

Ayon sa PSA, ang poverty threshold­ ay aabot lang sa P10,481 na sapat na raw upang mapunan ang pa­ngangailangan sa isang buwang pagkain at iba pang pangangailangan ng isang pamilya na mayroong 5 mi­yembro.

Halos mabaliw na ko sa pag-iisip kung papaano umabot sa ganitong halaga ang sinasabi ng PSA na sapat na raw sa mga Pilipinong pamilya na may 5 miyembro ang P10,481.

Ibig sabihin nito ay hayahay ang buhay ng mga manggagawang sumusahod ng minimum wage o halos P13,000.

Pero sa aking pag-compute ay napakalayo na makayanan ng isang pamilyang may 5 miyembro na mapunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng P10,481.

Renta sa bahay, bayarin sa tubig, kuryente, gastusin sa pang-araw-araw na pagkain at panga­ngailangan ng buong pamilya bukod pa sa mga estudyante sa public school.
At siyempre ang pinakapadre de pamilya ay kaila­ngan din ng budget sa pamasahe at pagkain nito pagpasok ng trabaho.

Dapat ay idetalye ng PSA kung saan makakabili ng murang pagkain, pamasahe, renta sa bahay at singil sa kuryente at tubig.

Kung hindi maipaliwanag nang matino ng PSA ang de­talye nito ay puwede natin akusahan ang nasa likod nito na taga-PSA ay isang sinunga­ling at ginagago ang publiko.

Hihintayin natin ang paliwanag ng PSA at kanilang ituro kung papaano nangyari na kasya ang P10,481 samantalang marami sa ating kababayan na bukod sa padre de pamilya ay napipilitan din na magtrabaho ang asawa upang makaagapay sa hirap ng buhay sa Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy