Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pototoy ni player parang anaconda

0 111

HALOS manliit ang isa sa kinikilalang sentro ng sikat na liga sa kanyang kapwa big man.

Ito ang naging punto ng katatawanan ng mga magkakaibigang player matapos na magkasama-sama sa nakaraang Kapaskuhan kung saan nakansela ang mga laro ng liga.

“Hindi lang big man iyun, big talaga,” sabi ng player na ikinahagalpak ng tawanan ng kapwa nito manlalaro patungkol sa junior ni player na para umanong anaconda sa laki.

Madalas na magkakuwentuhan ang mga manlalaro dahil na rin sa maliit na lugar na ginagalawan bunsod ng pandemya kung saan limitado at maraming restriksiyon na ipinapatupad sa loob ng liga kaya mas madali na makapag-usap.

“Nanliit talaga ako noong sabihin sa akin noong nakakita kay bug man, pero may balot daw,” sabay hagalpak ng player habang sinasabi ang kuwento ng kaibigan at lider ng fans nito na bading.

Nakatuwaan tuloy ni player na lokohin ang tagasunod nito na walang nagawa kundi ang mamutla sa biruan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.