Una sa Balita

Pot session sa loob ng resort, 3 kelot dinampot

By
0 210

DAHIL sa lakas ng amoy na pinatuyong dahon ng marijuana, kulong ang tatlong lalaki matapos mahuli sa akto ng mga pulis na nagpa-pot session sa loob ng banyo ng isang resort sa Valen­zue­la City, kamakalawa nang gabi.

Sa isinumiteng report ni P/Sr. Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police kay Northen Police District (NPD) Director P/Chief Supt. Gregorio Lim, kinilala ang mga suspek na sina Royette John Pagunsan, 22-anyos, ng No. 16 A San Guillermo, Brgy. Karuhatan; Merson Jimenez, 18, naninirahan sa Victoria. St., Brgy. Gen. T. De Leon, at Abraham Adriano, 31, ng Santol St., Bisalao, Brgy. Bagbaguin.

Ayon kay P/Chief Insp. Jowielouie Bilaro, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), bandang alas-9:30 nang gabi, nakatangap sila ng tawag mula sa pamunuan ng Villa Martha Resort na matatagpuan sa Brgy. Marulas dahil may nagpa-pot seasion daw ng grupo ng kalalakihan sa loob ng banyo.

Rumesponde ang SDEU sa pamumuno ni P03 Dacquil at dito nahuli nila sa akto na humihithit ng marijuana.

Narekober sa mga suspek ang isang plastic sachet na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana at plastic tube.

Nabatid na isinumbong ang tatlo matapos maamoy ito ng ibang naliligo doon ang usok ng marijuana.

Kinasuhan ng Violation of Section 12 at 15 of Article 11 ng RA 9165 ang mga inaresto.