Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pot session ng ina, amain sinumbong ng anak

0 54

Hindi na natiis ng mga magkapatid ang pambubuyo ng live-in partner ng kanilang ina sa iligal na droga kaya humantong ito para pagtulungan nilang saksakin ang amain, bago nagsumbong sa mga awtoridad sa Bacoor City, Cavite.

Kulong ang mag-inang Analiza De Paula, 50, at anak na si John Melvin Pamintuan habang naka-hospital arrest ang live-in partner ng una na si Rod Ebol, 38. Samantalang pinaghahanap naman ang isa pang anak ng una na si Jomar Pamintuan, 30, na tumakas matapos ang insidente.

Alas-dos kamakalawa ng madaling-araw nang niyaya ni Ebol ang kanyang live-in partner na mag-pot session na ikinagalit ng magkapatid kaya pinagtulungan umanong saksakin si Ebol.

Matapos nito, nag-report si John Melvin sa kanilang barangay hinggil sa iligal na gawain ng kanilang ina at live-in partner nito, dahilan upang sumugod ang mga barangay tanod sa kanilang bahay kung saan naabutan si Ebol na may tama ng saksak. Ininguso ni Ebol ang magkapatid na sumaksak sa kanya.

Nakuha sa loob ng bahay ng mga sangkot ang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia na ginamit ng mag-live-in partner.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Analiza at Ebol habang frustrated homicide naman ang magkapatid na kambal na sina John Melvin at Jomar. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.