Una sa Balita

Postponement ng Barangay, SK polls lusot na

By
0 6

Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Mayo 2018 .

Sa botong 212  pabor, 10 kontra at zero abstention, mabilis na lumusot ang House Bill 6308 na nagpapaliban sa eleksyon sa Oktubre ngayong taon at sa halip ay gawin na lamang ito sa ikalawang Lunes ng Mayo sa 2018.

Base sa inaprubahang panukala, ang mga incumbent officials na kinabibilangan ng mga barangay captain at barangay councilors ay tuloy sa kanilang panunungkulan hanggang sa susunod na taon.

Abante Hiring – IT dep

Kumontra sa panukala si Cebu Rep. Raul del Mar dahil labag umano ito sa Saligang Batas.

“One postponement to many that’s why I’m against it and  two postponement is too much,” ani Del Mar.

Unang naantala ang SK at Barangay elections noong Oktubre 2016 at hindi ulit matutuloy ang nakatakda sanang halalan sa Oktubre 2017.

Himutok naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, mistulang inalisan ng kapangyarihan ang mamamayan na mamili ng lider sa barangay dahil sa paulit-ulit na pagpapaliban sa halalan.