Una sa Balita

Postponement ng barangay elections ilulusot sa Agosto

By
0 8

Kayang-kayang ilusot sa Agosto ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong taon.

Ito ang tiniyak ni House Committee on Suffrage and Electoral Reform chariman Sherwin Tugna ng CIBAC party-list, matapos ang tila pangangalampag ni Commission on Election (Comelec) chairman Andres Bautista sa Kamara hinggil sa magiging kapalaran ng halalan sa barangay.

“Kayang kayang i-postpone once magdecide ang leader ng House of Representatives. Pag-resume ng session (sa Hulyo 24), ita-tackle na natin ito,” ayon kay Tugna.

Ayon sa mambabatas, pagbalik ng regular na sesyon ng Kamara, makikipagpulong ito kina House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez at House majority leader Rodolfo Farinas para maikalendaryo ang panukala at masimulan agad ang pagdinig.

Kabilang sa naghain ng panukala para ipagpaliban ang eleksyon hanggang 2020 ay si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kung saan kaakibat nito ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-appoint ng mga barangay officials.

Layon ng panukala ni Barbers na mapalakas ang first defense sa kampanya laban sa ilegal na droga dahil mahigit 90% umano sa mga barangay sa bansa ay pinasok na ng sindikato ng droga.

“Sa isyu na kayang (maipasa) sa August dahil sa appointment issue, talagang kaya itong aprubahan basta may concensur lang ang House leadership and members,” ayon kay Tugna.

Samantala, hindi pabor ang mga militanteng mambabatas na ipagpaliban muli ang barangay at SK election at bigyan ng kapangyarihan si Duterte na mag-appoint ng mga opisyale ng barangay.

“Kailangang ang mga tao ang mamili ng kanilang lider. Karapatan ng mga tao na bumoto ng mga taong mamumuno sa kanila. Huwag alisin ang kapangyarihan na ya sa kanila,” giit ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.