Una sa Balita

Post prod ng KathDen movie sa Thailand gagawin

0 372

abante-i-know-better-jun-nardo

Gagawin sa Thailand ang post production ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ayon sa direktor nitong si Cathy Garcia-Molina sa isang interview. Pero ang bagong experience ng direktora sa Kathryn Bernardo-Alden Richards movie eh natapos niya ang principal photography nito mahigit isang buwan bago ang playdate na July 31, huh!

“First time sa buong buhay ko ng paggawa ng pelikula na natapos ako more than a month before the showing, almost two months before the showing. It will give way to proper post production time,” pahayag ni Direk Cathy.

Pinasalamatan naman ng box-office director ang Thai sound recordist at boom operator na tumulong sa production crew ng HLG kaya naman nga-yong nasa Thailand na siya sa post production ng movie, pag-aaralan niya ang bagong techniques para ma-enrich ang Philippine film industry.

“So we are here to learn and hopefully to improve and share it to the rest of the Philippine movie making. Sana maka-level tayo doon,” rason ni Direk Cathy.

Ikinatuwa naman niya ang mga magandang feedback sa inilabas na teaser ng KathDen film. Pero aniya, conceptualization pa lang ng project eh, isinaalang-alang na nila ang respeto sa fandoms ng dalawang bida.

“Alam naman natin ang lakas ng KathNiel, ang lakas ng AlDub, iba pa ‘yung sari-sarili nila, so makakaroon ng mixed reactions,” saad pa niya.

Nitong nakaraang mga araw, nakipagkita ang ilang staff ng Star Cinema sa grupo ng fans nina Kath at Alden upang hingin ang tulong at suporta sa “Hello, Love, Goodbye.”
***

I am not perfect — Heart

Pinuna ng isang netizen ang recent Instagram photo ni Heart Evangelista kasama ang asawang si Sorsogon Governor-elect Chiz Escudero kung saan nasa ibabaw ang bag ng Kapuso artist.

“Whatever you do, don’t put your bag on the table as it’s considered rude (not to mention unhygienic,” ani @sma.9o.

Tugon naman ni Heart, “Thank you and appreciate your commenting back. Just think this…I am not perfect.”

Sinuportahan si Mrs. Escudero ng supporters niya na nagsabing nasa bahay naman nila si Heart at mamahalin ang bag niya kaya mas pangit na ilagay ito sa sahig, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy