Una sa Balita

Positibo rin ang paggamit ng social media

0 330

Dear Abante:

Napakaraming pinagdaanan ng ating bansa ngayong taon, mula mga krimen, kalamidad, at mga kontrobersya na kinasangkutan ng mga artista, opisyal ng mga ahensya ng gobyerno at politiko.

Sa lahat ng ito, batay sa aking obserbasyon, ay ­maraming natuto. Kung titingnan ang nga komento ng mga tao sa social media para sakin, ‘di na lang sila pa-woke o mema.

May sustansya na kahit paano ang mga sinasabi nila. Naghihimay, nag-aanalisa, nag-oobserba na sila. Palagay ko dahil rin ito sa social media.

Marami man ang nagsasabi na may masama itong dulot, tingin ko mabuti na rin at mayroon nito.

Dahil sa pagkakaroon ng social media, nagkaroon ng maraming mata ang sambayanan, mula sa mga krimen sa daan hanggang sa mga anomalya sa pamahalan.

Ilan ba ang kaso na natulungan ng mga kuha ng ­cellphone at pinost sa Facebook? Hindi lang iilan. Kaya naman huwag din sanang tingnan ito bilang masama.

Kailangan lamang na maging responsable ang lahat, turuan ang matatanda o hindi maalaman sa paggamit at pagsusuri sa social media para sama-sama tayo sa pagiging woke na mamamayan.

Angelika ng Mandaluyong

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy