Una sa Balita

Pormang rich girl: Senate official business class sa Europe trip

By
0 562

SA kabila ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtipid sa pondo ng bayan, isang opisyal ng Senado ang naglakwatsa pa sa Europa.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na nasa business class pa ang opisyal nang sumakay sa eroplano patungong Switzerland.

Aba’y dinaig pa ang mga senador na nagtiis sa economy class bilang pagsunod sa direktiba ng Pangulo na magtipid sa pondo ng gobyerno kung mangingibang-bansa.

Ang classic nito, nagbitbit pa ng dalawang alalay ang hitad samantalang ang mga kasamang senador, kahit chief of staff ay hindi pinasama sa biyahe.

Nabatid na nagkakahalaga ng P150,000 ang tiket ng bawat isang alalay ng Senate official na matapos dumalo sa apat na araw na event ay nag-extend pa ng anim na araw sa Europa, aba’y kung sinusu­werte nga naman.

Namumuro na raw sa liderato ng Senado ang nasabing opisyal lalo pa’t istrikto ito pagdating sa gastusan ng pera.

Pintahan niyo na. Ang opisyal ay dating nagtrabaho sa isang ahensiya ng gobyerno at palagi itong makikita kung may sesyon ang Senado. May letrang R sa kanyang pangalan as in rich girl kung pumorma.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy