Una sa Balita

Pork ‘di lulusot kay Duterte — Nograles

By
0 517

GINAGARANTIYAHAN ng Malacañang na magiging “pork-free ­budget” ang 2019 national ­budget.

Tugon ito ng Palasyo kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kaugnay sa kahilingan nito na i-veto ni ­Pangulong Rodrigo Duterte ang nakasingit na pork barrel fund sa 2019 national budget.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na bubusisiin ng Office of the President ang bawat item ng final report ng Bicameral ­Conference Committee sa pambansang budget.

Hindi aniya malayong gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang veto power kapag may makitang pondo na hindi naaayon sa batas, partikular ang mga hinihinalang pork barrel insertions ng mga mambabatas.

“Kami sa Executive branch will go through each and every page of the budget, we will go through each and every item and certainly the President has the power to exercise his line item veto, and if there’s anything illegal or irregular there, the President will know what to do,” ani Nograles.

Ayon kay Nograles, nagawa na ito ng Pangulo sa nakaraang national budget dahil ayaw nito na makuwestiyon pa sa Korte Suprema lalo na sa isyu ng pork barrel.

Sinabi ng kalihim na titiyakin nilang malinis at ­ligal ang gagamiting pondo ng gobyerno para sa ­taong ito para maayos na mapakinabangan ng samba­yanan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy