Una sa Balita

‘POPSTERS’ Pinadugo ang puso ni Regine

0 457

“You guys are breaking my heart,” ang daing ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa kanyang Twitter kamakailan dahil sa mga akusasyon na “credit grabbing” sa kanya ng ilang mga fan ni Sarah Geronimo, na makakasanib-puwersa niya sa inaabangang February 2020 concert.

Marami kasing mga nambabato ng masasakit na salita sa kanya pati rin sa kanyang kapatid na si Cacai Mitra, na kanyang business manager rin.

Nagbahagi lang naman si Mitra sa Twitter ng kanyang excitement sa inaasam na collaboration nina Regine at Sarah G na gaganapin sa February 14-15 ng 2020 sa Araneta Coliseum.

“Less than 12 hours and we’re almost sold out except for upper-box and (general admission)! Yehey!” sey ni Mitra, kalakip ang ad promotion picture ng concert habang naka-tag ang Viva Live at account ni Regine.

Napansin ng mga netizen na hindi naka-tag si Sarah doon sa tweet, kaya doon sila nagsimulang umatake at akusahan nga sina Mitra bilang “credit-grabber”.

Kesyo nagkaroon na noon si Sarah ng solo concert na sold out talaga at dahil mismo kay Sarah lang.

“Gusto ko lang sabihin na sa lahat ng concert na gagawin ito lang ang may issue. My sister probably didn’t know Sarah has a Twitter account and you guys are making such a big [deal] about it. Obvious ba na [collaboration] ito? Naka-tag Viva, right?” dagdag pa ni Regine.

Sino ba naman ang hindi masasaktan sa mga akusasyon na ganon?

“Sa dinami-dami kong [collaboration] na ginawa [ko] ngayon lang kami naakusahan na we are taking all the credits… Nakaka-disappoint. I have never experienced this. And I have worked with a lot of artists. Sorry, but you guys are breaking my heart,” dagdag pa ni Regine patungkol sa ilang ‘Popsters’.

Grabe na talaga ang social media ngayon, hindi na malaman kung harmful o helpful. Gayunpaman, nandiyan pa rin naman ang mga taga-suporta ni Asia’s Songbird para ipagtanggol siya sa mga bida-bidang basher. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More