Una sa Balita

Pops wala nang gana, takot nang kumanta

By
0 3,068

Sa tsikahan namin ni Pops Fernandez, galing na mismo sa kanya ang pagsasabi na mababa ang confidence niya para magkaroon ng isang comeback concert kahit up to now ay marami pa rin ang nag-e-encourage sa kanya na balikan niya ang concert scene.

Sobrang tagal na raw kasi niyang hindi nagagawa at marami nang baguhan ang nakapalit sa puwestong ‘yun kaya parang wala na sa plano niya ang mag-concert.

Bukod pa rito, feeling niya ay mataba siya ngayon which means hindi siya physically fit para sa production numbers na kailangan niyang sumayaw o magkikikilos onstage. Kahit nga raw ang breathing technique ay kailangan pa niyang praktisin ulit para hindi hingalin.

Minsan nga raw ay nagplano sila ng isang concert uli ni Martin Nievera, pero hindi ito nag-materialize dahil may problema sa schedule ng former husband niya. Pagkatapos noon, dun na raw talaga nawalan siya ng gana at mag-focus sa ibang bagay.

Masaya siya sa ibang mga singer na patuloy pa ring pinasasaya ang Pinoy audience through concerts lalo na ngayon na uso na naman uli ito na may dagdag na venue through digital concerts, so, habang on hiatus siya ngayon ay masarap isipin na mara­ming new entertainers ang nagbibigay saya sa ating mga kababayan.

Sofia ginamit ang musika sa paglimot sa bagyong Yolanda

Halos maluha-luha ang dating mayor ng Tacloban City na si Alfred Romualdez as he recalls ang sagip-buhay na kuwento ng kanyang anak na si Sofia Romualdez noong sinalanta sila ng Super-typhoon Yolanda.

Ayaw na sanang balikan ito ni Mayor Alfred lalo na’t media launching ‘yun para kay Sofia bilang isang recording artist, pero hindi niya ito maiwasan dahil malaki ang nagawa ng musika upang mapagaan ang pakiramdam nila nung mga panahon na ‘yun sampu ng kanilang mga kababayan.

Dahil katulad niya ay buhay din ni Sofia ang musika kaya malaking inspirasyon ito bilang paggunita rin ng isang trahedya na binago ng musika ang sitwasyon.

Super proud nga raw siya sa kanyang anak na sa kabila ng pagiging teenager nito na ang karamihan sa kaedad niya ay puro gimik at barkada ang priority, si Sofia ay sa pagsulat ng kanta, ang pag-explore ng ibang musical instrument at ang pagkanta ang pinagkakaabalahan.

Kaya nga raw hindi na sila nagtaka ng kanyang misis na si Mayor Kristina ‘Kring Kring’ Gonzalez nang pumayag ang kanilang anak upang maging recording artist ng Viva Records dahil alam nila na ito ang passion nito.

Sa launching naman ay iparinig sa media ni Sofia ang single na ire-release muna bago ang isang album, ang Thinkin’ of You na siya ang nagsulat.

Potential hit ito dahil very relatable ito at very millennial ang tunog.

Good luck, Sofia!