Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pops, Ramsay mabenta sa YouTube

0 131

Ang Enciaga group namin kung saan kabilang ang Concert Queen na si Pops Fernandez, may face to face get-together mamaya.

Sa Valencia Events Place kami ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde at ilan lang naman kami.

Pero, kahit konti nga lang kami, ang ni-request namin, doon kami sa may garden area para open air.

‘Yun naman na ang uso ngayon, Dondon (my dear editor).

Actually, may ilang mga celebrity ako na nakakatsikahan na mahilig magnegosyo at gusto nilang magtayo ng restaurants na may al fresco dining o ‘yung may open air kasi marami pa rin ang takot sa indoor dining, huh!

Nice!

Anyway, malakas nga pala ang views sa YouTube ng Pops Fernandez Official channel ang interbyu ng Concert Queen sa na-link sa kanya na si Derek Ramsay.

Ang bongga dahil nag-effort talaga si Pops na puntahan si Derek.

At least, sa interbyung ‘yon, natuldukan na rin ang pagli-link sa kanilang dalawa.

At dahil girlfriend na nga ni Derek si Ellen Adarna, napatunayang tsismis lang talaga ‘yung pagli-link sa hunk actor at kay Pops, huh!

Ruffa ninang:

Phoemela nanganak na

Isa si Ruffa Gutierrez sa mga nag-congratulate sa kaibigang si Phoemela Baranda na nanganak noong Friday.

Baby girl ang isinilang ni Phoemela at tinanong ko si Ruffa kung magiging ninang ba siya ng second daughter nito, pero mukhang hindi pa sila nagkakausap ng kaibigan dahil ang sagot lang niya sa akin, “Maybe I’m ninang.”

Ngayong may anak na sila, hinihintay naman kung kailan magpapakasal si Phoemela at ang partner niyang si Jason Choachuy.

Ang first daughter ni Phoemela na si Kim Nichole Baranda ay ipinanganak niya noong 19 years old pa lang siya. Bale 40 years old na si Phoemela nang ipanganak naman niya ang second daughter niya.

Raymond bawal dalawin si Liz Uy

Bale noong Wednesday lang nag-announce ang celebrity fashion stylist na si Liz Uy tungkol sa second baby boy niya na si Matias, pero days before pa siya nakapanganak.

Bale second baby na nila ‘yon ng mister na si Raymond Racaza. Ang una nila ay si Xavi.

Tinanong ko ang BFF ni Liz na si Raymond Gutierrez kung nakadalaw na ba siya sa kaibigan at kung nakita na ba niya si Baby Matias, pero hindi pa raw.

Hindi pa raw allowed ang mga bisita dahil takot din naman si Liz at matindi pa rin ang banta ng COVID-19.

Actually, sa panahon talaga ngayon, maraming mga magkakaibigan ang takot pang mag-bonding ng face to face.

Marami ang panay video calls lang.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.