Una sa Balita

Pops na-disappoint sa pagkatsugi ng TNT Boys sa ‘The World’s Best’

By
0 537

Nagsalita na si Concert Queen Pops Fernandez tungkol sa pagkaka-eliminate ng TNT Boys sa American talent show na “The World’s Best.” Hindi tinago ni Pops ang kanyang panghihinayang na hindi nakaabante sa finals ang TNT Boys na binubuo nila Mackie Empuerto, Keifer Sanchez and Francis Concepcion.

Sa huling pakikipag-compete ng TNT Boys sa TWB para sa group category, natalo sila ng American acappella group na Naturally 7. Hindi kasi sapat ang scores na nakuha ng TNT Boys para matalo nito ang Naturally 7 for a spot sa finals.

Ayon kay Pops, ramdam niya na gustong-gusto ng judges na sina Drew Barrymore, RuPaul Charles at Faith Hill na makapasok sa finals ang TNT Boys dahil sa naging pa­puri ng mga ito sa tatlong beses na mag-perform ang trio. Pero nag-iba raw bigla ang desisyon nila.

“I expected them to go all the way to the finals. I think the ‘Wall of the World’ also wanted them to be in the finals but somehow along the way, they changed their minds.

“Sometimes, things happen. But I am still very proud of them. I think they gave a good fight and I told a lot of people that we should never be disappointed.

“They have gone a long way and they were very much recognized for their talents… In every contest, there is only one winner. We shouldn’t feel bad,” sabi ni Pops.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy