Una sa Balita

Pops, Martin mabenta pa rin sa US, Canada

0 387

abante-anything-goes-jun-lalin
Ayaw pang ilabas ni Pops Fernandez ang schedule ng Canada and US concert tour nila ng ex-husband na si M­artin Nievera dahil mas gusto niya na plantsado na talaga ang lahat ng shows nila bago nila ilabas ang complete list.

Sa ngayon kasi, may mga nadadagdag pa sa ori-ginal schedule.

Sabi ni Pops, masaya siya na m­arami ang interesadong i-produce ang kanilang concert tour sa Canad­a at US.

Inaayos na rin ni Pops ang production meeting nila ni Martin para mapaghandaan na nila ang mga k­akantahin nila dahil maram­i silang duet sa concert tour na ‘yon na gusto ng kanilang mga fan.

Hihintayin lang ni Pops ang pagbabalik ni Martin (na nasa Las V­egas, Nevada ngayon) at magkikita na sila para mapag-usapan ang kanilang repertoire.

Ay, linawin ko lang na hindi si Pops ang promoter ng Canada and US concert tour nila ni Martin. Bale siya lang ang nakikipag-usap sa promoter na si Nancy Yang.

Kim, Xian serye naudlot ulit

May ilang mga fan ang KimXi love team nina Kim Chiu at Xian Lim ang nagtatanong kung kailan ang simula ng taping nila for Love Thy Woman, ang teleserye na b­alik-tambalan ng mag-sweethearts?

Nang mag-story conference kasi ang project na ‘yon ay napabalitang last week of May ang taping nila.

Tinanong ko ang handler ni Xian, si Mhit ng Viva Artists Agency, at ang sagot niya ay may tentative schedule today, pero mukhang malabo pa raw ‘yon dahil hindi pa nakakapag-look-test.

Sabi naman ni Eric John Salut na publicist ng Dreamscape production ni Sir Deo Endrinal, sa first week of June pa ang tentative start ng taping ng Love Thy Woman.

Sabi ng KimXi fans, sana ay maipalabas kaagad ang series na ‘yon dahil miss na miss na nilang mapanood together sina Kim at Xian!

Paghuhubad ni Mike Tan bet ng mga fan

In fairness sa Kara Mia ng GMA 7, kahit matinding series ang katapat nila sa ABS-CBN, pinag-uusapan pa rin ang mga nangyayari sa show, huh! Malakas nga sa social media ang mga usapan tungkol sa mga kaganapan sa fantaserye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Pati ang paminsan-minsan pagta-topless sa series ng ilan sa male cast, pinag-uusapan din.

Si Mike Tan ang mas madalas na topless dahil nga e­ngkanto ang role niya sa Kara Mia.

Dahil palaging topless, need ni Mike na regular na mag-gym at diet dahil hindi naman puwedeng mag-display siya ng katawan kung malaki ang tiyan niya, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy