Una sa Balita

Pops feeling nanay sa anak ni Martin

0 405

abante-anything-goes-jun-lalinPremiere night mamaya ng ‘Feelennial’ nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani sa cinema 4 ng SM Megamall. Siguradong star-studded ‘yon dahil ang sipag mag-imbita ng mga celebrity ni Pops Fernandez, isa sa executive producers ng ‘Feelennial’.

Kahapon, tinanong ko si Pops kung siguradong darating ang ex-husband niyang si Martin Nievera at “YES” ang sagot niya. Special guest din kasi sa pelikula si Martin.

Sabi ni Pops, sinabihan niya si Martin na isama ang bunsong anak nito na si Santino dahil for sure raw na mag-e-enjoy ang bata sa Feelennial.

In fairness to Pops, mahal na mahal niya ang bunso ni Martin. Parang anak din ang tu-ring ni Pops kay Santino, kaya nakaka-happy.

May ilang Pops-Martin fans nga pala akong nakausap na pupunta sa SM Megamall mamaya para abangan sina Pops at Martin.

Suggestion ko kay Pops, dapat sabay silang maglakad ni Martin sa red carpet para matuwa ang kanilang loyal fans na hanggang ngayon ay very supportive pa rin sa projects nila.

Sa mga nagtatanong nga pala kung magkaeksena sa Feelennial sina Pops at Martin dahil pareho silang nag-guest doon, may “lips are sealed” muna ang drama ko dahil ayaw ipasabi ng singer/producer.

Basta panoorin na lang daw ang Feelennial na mag-o-open sa mga sinehan on Wednesday!

Isko Moreno bawal nang magbakasyon

Nagkaroon ng “surprise” dinner celebration ang ilang friends ni Manila Mayor-elect Isko Moreno para sa kanya noong Saturday night. Pinangunahan ‘yon ng former manager/discoverer ni Isko na si Daddie Wowie Roxas.

Past 9:00pm na dumating si Isko sa Spanish restaurant na venue ng “surprise” dinner for him. Sabi ni Albert Medina Sunga na isa sa mga nag-ayos sa event na ‘yon, ang alam daw ni Isko ay simpleng dinner lang ‘yon, pero nagulat nga siya na maraming nandoroon including former Apat Na Sikat member Arnold Gamboa, former child star Bamba, TAPE, Inc. lady boss Malou Choa-Fagar, Jean Garcia, the original Concert Queen Pops Fernandez at iba pa.

Actually, hindi pa ‘yon ang thanksgiving party ni Isko dahil nanalo nga siyang Mayor ng Manila. May ibang friends and supporters daw ni Isko ang nagpaplano ng ganoon.

Anyway, enjoy si Isko sa pakikipagkuwentuhan sa mga bisita.

Nang “bumangka” siya sa table namin, ang memorable vacations naman niya ang ikinuwento niya sa amin ni Joy Alonzo (personal manager of Martin Nievera).

Napagtsikahan din namin ni Isko ang isang coffee shop na napuntahan namin noon sa Los Angeles, California at hindi niya ‘yon makalimutan, pati ng misis niyang si Dynee.

‘Yun nga lang, hindi na muna puwedeng magbakasyon abroad si Isko dahil magiging busy na siya sa pag-aasikaso ng Manila.

Past 1:00am na nga pala nakaalis si Isko sa event na ‘yon dahil kailangan na raw niyang umuwi at may guesting pa sila kahapon ng anak na si Joaquin Domagoso sa Father’s Day celebration ng isang show.

Dahil nag-aartista na si Joaquin, madalas mabirong magiging stage father na ang bagong Mayor ng Manila, pero natatawa lang siya sa bagay na ‘yon.

Pagdating daw sa career ng anak ay si Daddie Wowie ang tututok at support lang daw sila ng misis niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy