Una sa Balita

Pops aminadong kuripot

0 801

abante-anything-goes-jun-lalinNang mag-guest ang original Concert Queen na si Pops Fernandez sa Abante online show ko na Anything Goes, nag-phone patch ang kaibigan niyang si Erik Santos.

Actually, sobrang close sina Pops at Erik at hindi inililihim ng una sa huli ang tungkol sa kanyang love life.
Ipinakikilala nga kaagad ni Pops kay Erik ang mga karelasyon niya.

“Actually, sa group namin, mas una ko pang nakikilala,” sabi ni Erik.

Pero sa ngayon naman, walang ipinakikilala si Pops kay Erik dahil wala siyang karelasyon ngayon.

Zero nga muna ang love life ni Pops, huh!

Anyway, sa tsikahan pa rin na ‘yon, biniro ko sina Pops at Erik na pareho sila ng “image”.

Pareho kasing natsitsikang kuripot ang magkaibigan! Hahaha!

Pero in fairness to them naman, hindi nila ikinapipikon ang biro na ‘yon sa kanila.

Si Pops nga, proud pa na kuripot siya, ‘noh?!

Anyway, susuportahan daw ni Pops ang 15th anniversary concert ni Erik sa MOA Arena on September 22, pero huwag ka­yong umasa na mapanood at mapakinggan doon ang original Concert Queen dahil hindi siya magge-guest.

“Manonood lang ako kay Erik!” sabi ni Pops.

Bongga nga itong si Erik dahil marami akong kilalang mga celebrity na nagpa-blocked off na ng September 22 para masuportahan siya sa kanyang concert sa MOA Arena, huh!

Sarah, James may kilig factor sa ‘Granny’

Aba, in fairness sa team-up nina Sarah Gero­nimo at James Reid sa Miss Granny ng Viva Films na nag-showing na kahapon sa mga sinehan, may chemistry silang dalawa!

May kilig factor nga ang mga eksena nina Sarah at James sa Miss Granny at marami ang nagsasabing bagay talaga sila sa pelikulang ‘yon!

Kahit nga parehong may karelasyon na ang dalawa, si Sarah ay boyfriend si Matteo Guidicelli, at si James naman ay girlfriend si Nadine Lustre, pero sa Miss Granny naman, makakalimutan ng mga viewer ang bagay na ‘yon habang pinapanood ang mga eksena nila, dahil parang in love nga sila sa isa’t isa.

Ang galing ngang umarte nina Sarah at James dahil believable sila sa Miss Granny!

Nang mapanood ko nga ang mga eksena nila sa trailer, aba, kinilig ako at nanood talaga ng Miss Granny dahil sa kanila, ‘noh?!

Anyway, as of press time, malakas daw sa takilya ang Miss Granny!

Ruffa, Jordan hiwalay na?

After nga pala ng online show ko, niyaya ako ni Ruffa Gutierrez na mag-dinner sa isang restaurant sa BGC dahil nag-blowout siya sa kaibigan naming si Mary Ann Opeña na pabalik na ng Amerika mamaya.

Nasa dinner din ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Kasama naman ni Ruffa ang panganay niyang si Lorin.

So, nasaan si Venice?

“Not feeling well!” sabi ni Ruffa.

Hindi ko na itinanong kay Ruffa kung nasaan ang boyfriend niyang si Jordan Mouyal dahil hindi naman puwedeng nandoroon din ito dahil kasama nga namin si Bisaya.

Bukod doon, ang alam ko, nasa Europe na naman si Jordan, kaya hindi rin naman ako nagtataka na okey na okey ang mag-ina ngayon, ‘noh?!

Kumbaga, wala ang kinabubuwisitan ni Bisaya, huh!
Hahaha!