Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pope John Paul I gagawing santo

0 200

Inanunsiyo ng Vatican na gagawing santo si Pope John Paul I, na 33 araw lamang naupo sa puwesto noong 1978.

Ayon sa anunsyo ng Vatican, inaprubahan ni Pope Francis ang isang decree na kumikilala sa himala na nagawa ng Italyanong Santo Papa na si Albino Luciani o Pope John Paul I.

Hinirang si John Paul I bilang Santo Papa noong Agosto 26, 1978 bilang kapalit ni Pope Paul VI. Pumanaw si Paul VI noong Agosto 6, 1978.

Hindi naman inaasahan ang pagpanaw ni Pope John Paul I noong Setyembre 28, 1978 sa edad na 65 na pinaniniwalaang inatake sa puso habang siya ay natutulog. Pumalit sa kanya si Pope John Paul II.

Ang canonization para kay Pope John Paul I ay dahil sa paggaling ng isang 11-anyos na babae na tinamaan ng acute inflammatory encephalopathy. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.