Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pope Francis sinigawang `heretic’ ng pari

0 218

Dinakip ng mga pulis ang isang matandang paring Greek nang sumigaw ito patungkol sa Santo Papa habang pumapasok sa Orthodox Archbishopric sa Athens nitong Sabado.

“Pope, you are a heretic” sigaw umano nito dahilan para damputin ito ng mga awtoridad.

Nabatid na ang tinuran ng nasabing pari ay nagpapaalala ng iringan sa pagitan ng dalawang simbahan.

Makikita sa video na ang dinampot ay ang isang lalaking nakaitim na damit at itim na sumbrero na may mahabang puting balbas, na sumisigaw sa labas ng isang establisimyento.

Base sa mga saksi, malakas ang pagkakasigaw ng naturang pari kung saan narinig ng Santo Papa ang kaguluhan.

Tatlong araw na bumisita ang Santo Papa sa Greece sa pag-asang mapaglapit ang Silangan at Kanlurang Simbahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.