Una sa Balita

Pope Francis saludo sa Pinay

By
0 5

Espesyal na hinahangaan ng Santo Papa ang katangian ng mga Pilipina sa pagiging maalaga at mapagmahal sa matatanda.

Ito ang sinabi ni Philippine Ambassadress to the Holy See Mercedes Tuason kung saan saludo aniya ang Santo Papa sa pagbibigay kahalagahan at hindi pagsasantabi ng mga Filipina sa matatanda na isang kaugalian na natatangi sa buong mundo.

“Do you know what the Holy Father said? The Pope told me ‘Do you know why I like the Filipinas because they take care of their old people.’ We don’t send them to the home of the old, no. We take care of them, they stay with you and he really loves that, that we take care of everybody,” pahayag ni Tuason sa Radio Veritas.

Idinagdag pa ng opisyal na na likas sa mga ina ang pagiging mapagbigay at pag-abot ng kamay sa mga taong lubos na nangangailangan.

Una nang pinuri ni Pope Francis ang mga ina dahil sa hindi matutumbasang sakripisyo at pagmamahal na kanilang ipinararamdam upang itaguyod ang kanilang pamilya.