Una sa Balita

Pope Francis kinudeta

0 1,016

Hiniling ni Archbisho­p Carlo Maria Vigano ang resignation ni Pope Francis noong Linggo.

Giit ni Vigano, pinagtakpan daw ng Santo Papa si Archbishop Theo­dor McCarrick sa mga akusasyong pangmomolestiya ng altar boy at sa ilang seminarista.

Sa 11 pahinang testimony, inakusahan ni Vigano si Pope Francis ng pagbabalewala sa kanyang babala tungkol sa gawain ni McCarrick, na naging Archdiocese ng Washington mula 2000 hanggang 2006.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa report ng CNN, maituturing na kudeta ang akusasyon ng archbishop sa kanyang boss.

“This is a coup ope­ration against Pope Francis,” ayon kay Massimo Faggioli, professor ng Catholic history at theology sa Villanova University sa Pennsylvannia.

“It is a stunning convergence between the personal agenda of Vigano and the theological agenda of those who do not like Pope Francis.” dagdag pa niya.

Lumitaw naman ang mga naging baho ni Vigano tulad ng mga ebidensiya laban sa da­ting archbishop na ipinasira umano nito noong 2014. Noong 2011, nakabangga rin nito ang ilang superio­r sa Vatican na inakusahan niya ng corruption.