Una sa Balita

Pope Francis, international community kinondena ang pambobomba sa Jolo

0 511

KINONDENA ni Pope Francis ang dalawang magkasunod na pam­bobomba sa isang simbahan sa Jolo, Sulu noong Linggo, na ikinamatay ng 20 katao at pagkasugat ng higit sa 80.

Sa kanyang pagsasalita sa Panama City, tinawag pa ng Santo Papa ang insidente bilang ‘terrorist attack’.

Kasabay nito ay ipinagdarasal ni Pope Francis ang may kagagawan ng pambobomba sa Mt. Carmel Church na baguhin ng Diyos ang kanilang puso.

“I pray for the dead and the injured. May the Lord, prince of peace, convert the hearts of the violent ones,” saad ng Santo Papa.

Nagpahayag naman ng simpatiya ang international community sa Pilipinas.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim, susuporta­han ng Amerika ang mga tropa ng Pilipinas kung ano ang mga gagawing hakbang kasunod ng pambobomba sa Sulu.

Tinawag ni Cana­dian Prime Minister Justin Trudeau ang pag-atake bilang ‘despicable act of cowardice’, kasabay ng pakikiramay sa mga apektadong pamilya.

Nagbigay naman ng paalala ang Australia sa kanilang kababayan na maging alerto sa kanilang travel advice.

“A human tragedy, this is also an attack against the basic right to practice one’s religion. The European Union fully supports the Min­danao Peace Process and last week’s plebiscite on greater Bangsamoro regional autonomy. The EU plans to continue such support in the future,” ayon sa statement ng European Union.

Humihingi naman ng hustisya si UN Secretary-General Antonio Guterres para sa mga nabiktima ng pambo­bomba sa Sulu.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More